Home > Language > LOVE LESSONS LEARNED THE HARD WAY

LOVE LESSONS LEARNED THE HARD WAY

at:2008-06-30 16:17:47   Click: 45

Text ni first bf: "Moving on is the trickiest part. You can never really tell indeed if you had moved on and accepted the fact that there's no turning back.."

O, diba? Spoken like a pro, hehe!

Pero tama s'ya. Minsan kala natin naka-move on na pala tayo, yun pala kala lang natin yun. Kaya naman pag may return of the comeback, naku po, lost na naman ang beauty natin.

It happened to me twice already. First, si adik. Second, si model. Kala ko naka-pag move on na ako in the real sense of the word, di pa pala.

Kaya naman nung bumalik ulit sila, pucha, wala na. Taob na naman ang Pampanga. Nanumbalik na naman ang lahat lahat.

Thing is, nagiging vulnerable tayo pag WALA PA silang kapalit sa puso natin. Oh well, I'm speaking for myself.

I always tell other people nga na lalake lang ang katapat ng lalake. Ang tanong na lang is kung kaya ba nilang tapatan yung previous na naka-relasyon natin. Ang laking tulong kase nung magkaroon ng new bf/gf para makalimutan yung isa. (Call it panakipbutas or what-have-you but it's possible to love the latest bf/gf ng mas matindi rin naman).

In the case of adik and model, nagka-Part 2 pa ako sa kanila e. Pero yun nga, wala ding nangyari.

Lesson learned? Wala ng sequel dapat sa mga nakaraan. Kung tapos na, tapos na dapat. Wala ng balikan. Kung wala ng tiwala, wag ng ipagpilitan. Kung wala ng respeto, wag ng magpakabayani at umasang aayos din ang lahat eventually.

Gaga kase ako e. Feeling Darna lagi. Tigasalba ng mga walang future sa buhay.

Yang lecheng "You complete me" na yan ng dialogue ng karamihan, that's full of crap! Tama si Anthony Pangilinanan, di natin kailangan ng ibang tao para makumpleto tayo. Dapat kumpeto tayo mismo sa sarili natin.

Wag nating iasa sa iba yung happiness natin. Buhay natin 'to. Maaaring makatulong yung iba para madagdagan yung happiness natin pero in the end, dapat masaya tayo mismo sa sarili natin. Or else, pag nagkalintikan na, back to square 1 na naman tayo. Basang sisiw ever na naman ang feeling, tsk!

I've had my share of quotable quotes sa mga ex ko. I told model, "Pag wala nang nagmamahal sayo, andito lang ako. Pag wala nang kokontra, andito lang ako. Pag di pa rin ok, sa next life na lang kita mamahalin...Sana tama na na lahat nun at wala nang kokontra..."

Wahhhh, pucha! Ang baduy ko! Kakapangilabot, ewwww!

Haha but look at me now. Oks pa rin kahit wala na s'ya. Kala ko lang pala di ko kaya. Wala na rin kaming communication for almost 3 months now.

Fastforward to L. I told him naman, "Ika ing bie ku." (Ikaw yung buhay ko). Ewwwww! Another kaeklatan ko, hahaha!

We broke up June 11 but so far, so good. I think ito yung breakup na mas na-handle ko nang maayos at maluwag sa dibdib compared sa iba. Sa una lang ako bitter-bitteran.

Na-realize ko tuloy na wag nang maglitanya ng mga quotable quotes next time sa magiging dyowa ko. Kakapangilabot pag di nag-work out yung relationship. Natatawa ako sa kagagahan ko, hehe!

Sumatotal, everything boils down to trust. Pag di katiwa-tiwala ang dyowa mo, leave. Wag nang magpaka-Darna or Captain Barbell. Wag ka nang umasa na magbabago s'ya for you or for love. Kung gusto n'ya talaga magbago, dapat magstart sa kanya.

Pag walang future ang dyowa, wag nang umasa na magkaka-future s'ya sayo or tulungan mo s'ya na magka-future. Ang siste e baka kaw pa ang mahatak n'ya pababa. Sabi nga ni friend, wag ako nagdyo-dyowa ng alang future. Humanap daw ako ng hahatak sa akin pataas or else baka dumating na lang yung time na pareho na lang kaming alang future at nakalugmok sa baba.

Pag tapos na ang relasyon e wag nang umasa ng Part 2. (pwera na lang kung may pagbabago na for the better). Itodo na ang powers sa Part 1. Pag di umubra, wag nang mag-Part 2. Doble lang ang sakit kung di pa rin nag-work out.

Pucha, am I making sense here? Haha! Basta yun na...

Basta ako mananahimik muna ako ngayon. Wala na munang love love. Bf-bf.

Nanamnamin ko muna ang pain then get over it then move on in the real sense of the word. Wala ng Part 2. (Oh geez! Sana mapanindigan ko. As if naman binabalikan ako ni L, hahaha!) :P

0 Vote
Tags: German lessons


Comment
Name: Home: